Life Lessons

This is originally a Facebook post published some time in 2014. I was 23 years old then, and was active as a bedside nurse in a tertiary-level hospital in the metro. The original composition is in Filipino and I will keep it the way it is to maintain its sincerity.

Marami akong natutunan nung college. Pero mas marami nung nagtatrabaho na ako. Okay lang ba kung i-share ko?

1. Nung High School, natutunan kong mag-aral ng mabuti at time management. Natutunan ko ring umarte ng ayon sa aking financial capabililty. Nag-aral ako sa isang exclusive for girls school at ang mga kaklase ko noon ay mga anak ng top managers, CEOs, president ng mga companies…mga taong afford mag-Hong Kong for the weekend ng walang consequences. Meaning, di gaya ko na “sige mag-Hong Kong tayo pero wala na tayong kakainin”. Dahil di naman kami mayaman, I compensated by studying hard. Aaminin ko, di masyadong masaya high school life ko and looking back, ang naalala ko mostly ay yung educational stuff na ginawa ko, hindi yung mga social antics. Wala naman akong social life noon pa man. Kaya aral lang ako ng aral.

2. Nung college I learned that no man can live alone. Finally I had friends! Himalaaaa! At yung natutunan ko nung HS, ginamit ko sa college at nag-aral ako ng mas mabuti. Pero what i really learned from my experiences in college was to study smart, aka diskarte. Walang pambili ng original Pilliteri? Kinaibigan ko yung mga manong sa PRC at bumili ng cheaper version ng orig! Walang maraming pera pang-meryenda? Nanjan naman ang sisig sa Lerma. Walang internet sa bahay? Takbo sa Tams! I survived dahil tinuruan ako ng FEU ng diskarte. And I had friends to share the crazy ride with kaya masaya. Hi mga madam, tol, FG! 🙂

3. After college syempre idealistic ako, gusto ko magtrabaho agad, kaya kahit di ko masyado pinag-isipan, nag-apply ako (dala na rin ng inggit sa mga ka-batch kong kabi-kabila ang job interviews). By the time I started my first job, isa ang natutunan ko from my dad. Sabi nya, mag-invest daw ako sa mga bagay na makakatulong sa akin sa trabaho. Tama nga naman, pano ako magtatrabaho kung wala akong sapatos? Kung wala akong pang-business attire? Kung wala akong load pangtext kay mom and dad? So kung nurse ka, invest in a good pair of shoes, stethoscope, penlight, ballpen, bandage scissors. Kung call center agent ka, invest sa spill-proof na tumbler, working shoes. Unahin mong pagkagastusan yung mga makakatulong sayo sa trabaho, bago Starbucks. Save before you spend.

4. Corporate world was not for me kaya lumipat ako sa talagang niche ko, which is Nursing. To cut the long story short, napunta ako sa Mental (NCMH). Ang natutunan ko na naman dun, ay una, although madiskarte ako at matalino, worthless yun kung ikokompara sa taong may backer. Dito ko fully narealize na hindi na ako bata, na hindi na ako nagduduty sa ospital at may CI pa and all. Adult na ako. At sa mundo ng mga adults, it’s not what you know, but who you know. Pangalawa, natutunan kong kelangan talagang pagtuunan ng gobyerno ang kalusugan. I think yung mataas na budget education taon-taon is overrated. Sorry sa mga teachers, but i think oras na para mga nurses at doktor naman ang bida.

5. Sa mental ko din natutunan na importante maging masaya. Type A personality kasi ako e, at ako yung taong gusto lagi may plano. Hindi rin ako palalabas. Pero nung nasa mental na ako, natutunan ko to “live life lighter than a feather”. Totoong nakakabaliw ang stress, at nakaka-depress ang maging forever alone. I’ve seen it first hand. Psych nurse ako e. Kaya ginawa ko noon, pag may oras, nagjo-jogging kami ng groupmates ko. Sumasama na rin ako sa kanila pag nag-aaya sila na gumala. I learned to take life slowly. Ano ba hinahabol ko? Di pa naman ako mamamatay. Physically, dito ako nag-diet at pumayat. It was a good change. Masaya buhay ko sa mental. If given the chance, babalik ako dun. 🙂

6. Ngayon naman na nasa private practice ako, at nasa very stressful working environment, natutunan kong magkaron ng hobby. Same with my reasons nung nasa mental ako, ayokong mamatay sa stress. I rekindled my hobby and this time, i really indulged in it. Ano bang masama e pinaghirapan ko naman yung perang gagamitin ko. Nag-save naman ako bago ako gumastos. I also learned from one of my seniors to finishi work early. Dahil yung 2 hrs na ieextend ko para lang mag-charting ay hindi naman bayad! Nga naman. Hello, i have life outside work. May Naruto manga at Trese comics na naghihintay sakin sa bahay. May arnis akong pagkakaabalahan at may comic alley na nag-aabang sakin para bilhin yung mga naruto merch na pangarap kong bilhin. Natutunan ko rin na wag mag-iiwan ng di tapos na trabaho. Kung ayaw mong ma-coaching. At wag kakain sa station. At laging idikit ang call light within patient’s reach. Kung ayaw mo ng IR.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s